|
||||||||
|
||
Desisyon ng Korte Suprema, ikinatuwa ng mga obispo
IKINATUWA ng mga obispo ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Disbursement Acceleration Program. Magugunitang idinekalara ng Korte Suprema ang DAP na taliwas sa Saligang Batas.
Ani Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng CBCP at arsobispo ng Lingayen-Dagupan na kapuri-puri ang desisyon kasabay ng panawagan sa mga mamamayan na isulong ang integridad sa pampubliko at pribadong buhay.
Idinagdag pa niya na isang malaking hamon ito sa mga mamamayan na maging mapagbantay laban sa mga katiwalian. Nararapat lamang maging isang bansa ng mga batas at mga mamamayan na mayroong integridad ang Pilipinas.
Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, nararapat may managot ang mga nagsulong at gumamit ng biyaya ng DAP. Maganda na umano ang desisyon ng Korte Suprema na maaaring matagal nilang pinag-aralan at pinagusapan.
Para kay Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, nararapat panagutin ang lahat ng may kinalaman sa DAP.
Sa mungkahi ni Senador Miriam Defensor-Santiago na isailalim sa impeachment ang pangulo ng bansa, sinabi ni CBCP Publlic Affairs chairman Bishop Broderick Pabillo na ito ay isang "political action."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |