|
||||||||
|
||
Kampanya laban sa pagkakarne ng aso, inihahanda
PILIPINAS ang posibleng kauna-unahang bansa sa timog-silangang Asia na magsimula ng pinag-ibayong kampanya laban sa pagkakalakal ng karneng aso bilang pagkain.
Sa isang pagpupulong sa Baguio City, isang pambansang plan of action laban sa pagkakalakal ng karneng aso sa Pilipinas ang nabuo upang ipadama ang katapatan ng bansa laban sa pagkakarne ng aso. Ang Lungsod ng Baguio ay kilala sa pagtanggap at pagtataguyod ng pagkarne at pagbibenta ng karneng aso. Idinaos ang pagpupulong sa Baguio upang isulong ang kampanya laban sa kalakaran.
Pinamumunuan ng Bureau of Animal Industry, National Meat Inspection Service, Department of Interior and Local Government at Animal Kingdom Foundation, Inc. ang kampanya.
Ang dalawang araw na pagpupulong ay magtatapos bukas, ika-apat ng Hulyo, bilang pagkdiriwang ng World Animal Day sa Maynila na kinatatampukan ng pangangako ng mga ahensya na pipigilan ang kalakal ng aso upang makarne at makasama sa hapag kainan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |