|
||||||||
|
||
Pinuno ng PNP Custodial Center, inalis sa puesto
SINIBAK sa pagiging pinuno ng PNP Custodial Center si Supt. Mario Malana dahilan sa neglect of duty o kapabayaan ng hindi mapaalis ang mga bisita nina Senador Revilla at Estrada noong Linggo, matapos ang deadline na ikatlo ng hapon.
Inalis ni Chief Supt. Benito Estipona ng Headquarters Support Service si Supt. Malana matapos magkaroon ng pre-charge investigation na nakatagpo ng probable cause para sa less grave neglect of duty na ipinarating laban sa dating pinuno ng custodial center.
Pinalitan sia ni Supt. Peter Limbauan sa pagiging pinuno ng custodial center. Pinagsusumite si Malana ng kanyang sinumpaang paliwanag sa mga balitang lumabas na nagpa-party sina Senador Revilla at Estrada sa kanilang mga panauhing nagtagal hanggang Lunes ng madaling araw.
Mula ikasiyam ng umaga hanggang ikatlo ng hapon lamang pinapayagan ang mga bisita.
Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, dalawang kautusan ang nilabag ni Malana, ang hindi pagpapatupad ng visiting time mula ikasiyam ng umaga hanggang ikatlo ng hapon at hindi pagsunod sa kautusan na mag-ulat sa mga nakatataas sa kanya sa nagaganap sa kanyang nasasakupan. Posible siyang masuspinde mula 30 hanggang 60 ng walang sahod at allowance.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |