|
||||||||
|
||
Kagawaran ng Ugnayang Panglabas nanawagan sa mga Pinoy sa Libya
INULIT ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang panawagan sa mga Filipino na nasa Libya na umuwi na kaagad. Itinaas na ang Alert Level 4 dahilan sa kaguluhang nagaganap sa bansa, pagdalas ng mga sagupaan at pagsasara ng malalaking paliparan at ang napipintong panganib sa mga banyagang naroon.
Ikinalungkot din ng Kagawaran ang pagkakadukot sa isang Filipino sa Benghazi noong Martes. Natagpuan ang kanyang bangkay noong nakalipas na Sabado.
Ang mga pangyayaring ito ang nagpapakita na nawalan na ng kaligtasan ang mga OFW na mananatili sa Libya. Mula ng sumiklab ang krisis, binantayan na ng Kagawaran ang nagaganap na bansa. Nanawagan ang Pamahalaang Filipino na madaliang makipagbalitaan sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli upang madali ang kanilang repatriation.
Magugunitang noong ika-28 ng Mayo, personal na nagtungo sa Libya si Kalihim Albert F. del Rosario upang suriin ang nagaganap doon at naging dahilan upang ideklara ang Alert Level 3 o Voluntary Repatriation noong ika-29 ng Mayo dahilan sa mga nagaganap doon. Isang Rapic Response Team at dagdag na mga tauhan mula sa DFA ang ipinadala upang tulungan ang mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli.
Mayroon nang 24-hour hotline para sa mga pamilya ng mga OFW sa Libya. Makatatawag sila at makapagtatanong sa telephone numbers 02-5527105 at 02-8344685. Maaari din silang magpadala ng katanungan sa email address na oumwa@dfa.gov.ph
Ang mga filipino sa Libya ay maaaring makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli sa KM 7 Gargaresh Road, Abu Nawas, P. O. Box 12508, Tripoli at makatatawag sila sa 00218 918-244-208 at 00218 911061166 at sa email address na tripoli.pe@gmail.com at tripoli.pe@dfa.gov.ph
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |