|
||||||||
|
||
Mga Filipino, pinaaalis na rin sa Gaza Strip
DAHILAN sa peligrong mula sa sagupaan ng mga Israeli at Hamas militants sa Gaza Strip, nanawagan na ang Department of Foreign Affairs na magkaroon ng Mandatory Repatriation sa pagtataas ng Alert Level 4 sa pook.
Sa ilalim ng kautusan, ang Pamahalang Filipino ang magpapatupad ng mandatory repatriation ng lahat ng mga Filipino sa pook. Ang mga embahada ng Pilipinas sa Cairo, Tel Aviv at Amman ay handang magpauwi ng mga Filipino sa Gaza sa pakikipagtulungan sa mga pamahalaan gn Israel, Egypt, Jordan at United Nations at mga pandaigdigang samahang nasa Gaza Strip.
Ang Alert Level 2 (Restriction Phase) ay itinaas din sa ilang pook sa Israel, may 15 kilometro mula sa hangganan sa Gaza. Ang Alert Level 1 o Precautionary Phase ay nakataas din sa West Bank at sa ibang bahagi ng Israel.
Nananawagan ang Pilipinas na matigil na ang sagupaan upang maiwasan ang pagkasawi at pagkakasugat ng mga walang kinalaman sa kaguluhan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |