|
||||||||
|
||
Bataan, lubhang tinamaan ni "Glenda"
NAGTUTULUNGAN ang mga taga-Bataan matapos tamaan ng bagyong "Glenda" noong Miyerkoles. Ayon kay Bishop Ruperto Santos ng Balangan, may 9,500 mga pamilya ang pektado sa Ornai, 1,900 sa Orion, 2,550 sa Abucay, na karaniwang nasa baybay-dagat. Apektado rin angm ga 673 pamilya sa barangay tortugas at Porto Rivas sa Balanga City.
Dinadaluhan na ng mga pari ang mga biktima sa pamamagitan ng relief goods at naging evacuation centers ang kanilang mga kapilya. Binaha rin ang simbahan ni Sta. Catalina sa Samal samantalang natangay ng hangin ang bubong ng simbahan sa Pilar.
Noong nakalipas na Miyerkoles, nagmisa si Bishop Santos sa Bahay Puso sa Balanga Home for the Aged and Elderly at umikot na sa iba't ibang parokya. Ganap na ikalima ng hapon, nagmisa rin siya sa Tapulao sa Orani, Bataan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |