|
||||||||
|
||
20140724ditorhio.m4a
|
Si King DF
Ang rap ay nagsimulang sumikat mula sa Amerika noong huling dako ng dekada 70 at unang dako ng dekada 80. Mula noon, mabilis itong lumaganap at sumikat sa buong mundo. Ang mga unang nagpasikat ng pagra-rap ay ang mga African-American, at magpahanggang ngayon, sila pa rin ang karamihan sa mga sikat na artista at manganganta pagdating sa ganitong uri ng musika. Pero, mayroon ding ilang puti o Caucasian na sumikat sa pagra-rap, na gaya nina, Vanilla Ice at Eminem.
Sa atin sa Pilipinas, nagsimula itong sumikat noong dekada 80, at sina Francis Magalona at Andrew E ang mga naging pioneer. Sa ngayon, kilalang-kilala ito, at napakarami nang singer ang nagpapaunlad nito, nandyan syempre si Gloc 9.
Dito naman sa Tsina, kahit medyo nahuli ang pag-unlad ng hip hop at rap, ay humahabol na rin. Mayroon na ring mangilan-ngilang artistang Tsino na gumagawa at nagpapaunlad nito, lalo na iyong mga taga-Hong Kong at Taiwan. Pero, alam ba ninyo, mayroon pong isang dayuhang nangangarap na maging kauna-unahan at tanging black rapper sa Tsina? Hindi pa masyadong malaganap ang rap at hip hop dito sa mainland pero, ang pangarap ni King DF ay ipalaganap ang rap at kanyang musika sa mga Tsino.
Si King DF ay tubong Cameroon at dumating siya sa Tsina, mga 3 o 4 na taon na ang nakalilipas. Hindi naging madali ang kanyang unang taon sa Tsina, pero, dahil sa kanyang pangarap at pagpupunyagi, nalampasan niya ang maraming pinansyal na pagsubok. Sa ngayon, unti-unting inaabot ni King DF ang kanyang pangarap na maging kauna-unahang black rapper sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |