Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Laowai at Crosstalk

(GMT+08:00) 2014-07-10 15:25:53       CRI

 Ang Crosstalk ay kilala rin sa Tsina bilang xiangsheng, at isang uri ng tradisyonal na stand-up comedy. Tulad ng makabagong stand-up comedy, ang mga manonood ay inaaliw ng dalawang taong nasa entablado, sa pamamagitan ng diyalogo o pakikipag-usap sa isat-isa. Pero, minsan, puwede rin itong gawin ng iisang tao o maraming tao. Sa crosstalk, ang mga tagapagtanghal ay gumagamit ng mga pun o mga salitang maaring bigyan ng naiibang pakahulugang nakakatawa, at mga allusion o di-tuwirang pahiwatig. Ang crosstalk ay isa sa mga pinakakilalang performing arts ng Tsina at karaniwang itinatanghal gamit ang diyalekto ng Beijing o istandard na wikang Tsino na may punto ng hilagang Tsina. Kung ikukumpara sa atin sa Pilipinas, ang diyalogo ito ay sinasalita gamit ang Tagalog na may puntong Maynila. Tulad ng makabagong stand-up comedy, ang buong pagtatanghal ng crosstalk ay ginagamitan ng ibat-ibang instrumento at mga awit.

Ibig sabihin, para makapagtanghal sa isang crosstalk, ang tagapagtanghal ay kailangang maging bihasa sa maraming elemento ng sining at kulturang Tsino, siyempre, kasama riyan ang wikang Tsino na may puntong hilaga: kailangan ding marunong siyang gumamit ng mga tradisyonal na instrumento na tulad ng kuai ban'er, at magmemorya at kumanta ng ibat-ibang awitin at diyalogo.

Alam po ba ninyo, dito sa Beijing, mayroong isang taga-Canada na nangangahas mag-aaral nito, at nag-aaral pa siya sa ilalim ng isa sa mga pinakamagaling na guro ng crosstalk at wikang Tsino sa buong Tsina? Ang tinutukoy po nating dayuhan ay si Nick Angiers, isang Canadian. Narito ang kanyang kuwento at karanasan sa Tsina.

si Nick Angiers

 

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Laowai at Crosstalk 2014-07-10 15:25:53
v Buhay ng estudyanteng laowai 2014-07-03 16:26:56
v Tiket papuntang kalawakan 2014-06-26 15:20:26
v Ang Gaokao 2014-06-19 17:01:24
v Pasaporte, ingatan 2014-06-12 17:03:08
v Hogwarts ng Tsina 2014-06-05 15:48:36
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>