|
||||||||
|
||
Melo 20140805
|
MINABUTI nina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at mga kasama mula sa Korte Suprema na huwag dumalo sa pagdinig ng Mababang Kapulungan hinggil sa diumano'y maling paggamit ng Judiciary Development Fund (JDF).
Ayon sa Public Information Office ng Korte Suprema, nagpadala na ng mensahe si Chief Justice Sereno na hindi siya at sinumang kinatawan ang makadadalo sa nakatakdang pagdinig at hindi magkakaroon ng anumang suliranin sa anumang magiging desisyon ng Court en Banc na may kinalaman sa maaaring maging pulong sa House Committee on Justice.
Isang tatlong pahinang liham ang ipinadala ni Chief Justice Sereno kay House Speaker Feliciano Belmonte na nagsasabing lubhang napaka-aga at 'di marapat ang pagdinig, mangangailangan pa siya ng konsultasyon sa Supreme Court en Banc hinggil sa bagay na ito.
Kailangang komunsulta sa buong kalipunan ng mga mahistrado kung paano higit na makalalahok sa talakayan hinggil sa mga nais liwanagin ng Mababang Kapulungan nang hindi magigipit at mawawala ang judicial independence at fiscal autonomy.
Natanggap umano ni Chief Justice Sereno ang paanyayang may petsang ika-30 ng Hulyo kahapon, ika-apat na Agosto. Ang susunod na en banc ay gagawin ngayon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |