|
||||||||
|
||
Walang Filipinong makakaalis tungo sa mga bansang may Ebola
WALANG manggagawang Filipino ang papayagang makalipad patungo sa mga bansang Sierra Leone, Guinea at Liberia. Sa isang press briefing, sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na ang pagbabawal sa mga manggagawa ay sasabayan nila ng pagbabantay ang pagbalik ng mga manggagawa mula sa ibang bansa.
Wala pa namang kumpirmadong may Ebola Virus sa 15 mga manggagawa na dumating mula Sierra Leone kamakailan.
Sinabi ni Consul Lorenzo Rhys Jungco IV na mayroong humigit kumulang na 4,000 mga Filipino sa mga bansa ng Guinea, Sierra Leone at Lliberia. Ikinababahala nila ang mga kawal na Filipino na ipinadala sa Liberia bilang bahagi ng United Nations Peacekeeping Force sapagkat mas manganganib sila kaysa mga manggagawa doon.
Ipinadala ng Armed Forces of the Philippines ang may 115 Filipino sa Liberia at ngayo'y wala pa namang Ebola. Pinag-iingat silang huwag magkaroon ng virus. Na sa Liberia sila mula noong Disyembre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |