|
||||||||
|
||
Pagtutulungan, mahalaga sa civil registration
PAGTUTULUNGAN NG MGA AHENSYA AT KOMUNIDAD KAILANGAN SA CIVIL REGISTRATION. Binigyang-diin ni Health Undersecretary Teodoro Herbosa ang bagay na ito sa kanyang talumpati sa 7th National Workshop for Civil Registration sa Cebu City. Pagtama ang datos, malaking tulong ito sa pamahalaan, dagdag pa ni Dr. Herbosa. (File Photo/Melo Acuna)
SINABI ni Health Undersecretary Teodoro Herbosa na kailangan ang pagtutulungan ng mga tanggapan ng pamahalaan at komunidad upang maayos ang pagtatala at pangangalaga ng datos.
Sa kanyang talumpati sa 7th National Workshop on Civil Registration sa Cebu City ngayong araw na ito. Sinabi ni Dr. Herbosa na kung maayos ang datos na naitatala, magkakaroon ng mas malinaw na larawan ng kapaligiran. Ang maling impormasyon ay magdudulot ng higit at ibayong problema.
Sa pagkakapasa ng Republic Act 10625 na kilala sa pangalang Philippine Statistical Act of 2013, nalutas na rin ang problema ng pagkakahiwa-hiwalay ng pinagkukuhan ng impormasyon. Idinagdag pa ni G. Herbosa na naitutuwid na ang dala collection at information system sa pagkakaroon ng dalawa pang batas na tutugon sa clerical at typographical errors sa civil registration.
Sa panig ng Kagawaran ng Kalusugan, ani Undersecretary Herbosa, napakahalaga ng demographic information sa pagbuo ng mga palatuntunan sa kalusugan, ekonomiya, pagsasaka at iba pang sektor na naglilingkod sa mga mamamayan.
Ginagawa din nila ang pagpapahusay ng kanilang Health Information System sa pagsasama-sama at pagtutugma ng iba't ibang gawain at palatuntunan.
Mayroon na ring full electronic claims program sa anim na health information technology providers ng PhilHealth. Mayroon na rin silang community health information tracking system at Telehealth na nakikipagtulungan sa UP Manila. Naglabas na rin ng salapi ang Department of Budget and Management para sa Medium-Term Information and Communication Technology Harmonization Initiative.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |