|
||||||||
|
||
Inflation, tumaas sa 4.9% noong Hulyo
PINAKAMATAAS NA INFLATION RATE, NATAMO NOONG HULYO SA 4.9%. Ito ang inihayag ni Socio-Economic Planning Secretary at NEDA Director General Arsenio M. Balisacan. Naganap ito sa pagtaas ng presyo ng bigas. Bagaman, sinabi ni Kalihim Balisacan na bababa ang presyo ng bigas sa oras na makapasok na sa pamilihan ang inangkat na bigas. Sakalaw pa naman umano ito ng Development Budget Coordination Committee inflation target mula 3.0 hanggang 5.0%. (File Photo/Melo Acuna)
TUMAAS ang inflation rate ng Pilipinas at umabot sa 4.9% noong Hulyo at nasa "high-end target" ng pamahalaan.
Ito ang pahayag ng National Economic and Development Authority Director-General Arsenio M. Balisanacan na ang presyo ng bigas ay nanatiling mataas noong Hulyo sa kahirapan ng supply sa pamilihan.
Sa paghahambing ng presyo ng bigas noong nakalipas na taon, nagkaroon ng 14.4% na pagtaas sa 13.6% noong Hunyo ng taong ito. Ang presyo ng mais ay tumaas ng 7.8% kung ihahambing sa 7.6% noong Hunyo ng 2014.
Kahit tumaas, ang inflation rate noong Hulyo ay nasa loob pa rin ng Development Budget Coordination Committee inflation target na mula sa 3.0 hanggang 5.0% para sa taong ito.
Ayon kay Kalihim Balisacan, umaasa ang NEDA na mananatili ang headline inflation rate sa buong taon na maglalaro sa 4.4%. Bababa ang presyo ng bigas sa oras na makarating sa pamilihan ang bigas na inangkat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |