|
||||||||
|
||
Sa larangan ng politika, hindi na kailangan ni BP Binay ang suporta ni Pangulong Aquino
HINDI na kailangan pa ang endorsement ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III para kay Bise Presidente Jejomar C. Binay para sa napipintong halalan sa 2016.
Ito ang sinabi ni Senador Sergio Osmeña III sa mga mamamahayag sa Cebu City.
Si Osmeña ay isang three-term senator at naging tagapayo ni dating Senador at ngayo'y Pangulong Aquino noong 2010. Ito ang reaksyon ni Senador Osmeña matapos lumabas ang balita na nakatanggap ng pasabi si BP Binay mula sa Partido Liberal na gagawin siyang "guest candidate".
Idinagdag pa ng senador na kung ngayon gagawin ang halalan, magwawagi si G. Binay sa laki ng kanyang agwat sa kanyang magiging kapalit.
Sa lumalabas sa mga survey ngayon, hindi na makakatulong pa ang endorsements ni Pangulong Aquino kung sakali mang itaguyod siya ni Pangulong Aquino, dagdag pa ng mambabatas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |