|
||||||||
|
||
140808melo.mp3
|
Iwaksi ang lump sums at intelligence funds
ALISIN NA ANG LUMP SUMS AT INTELLIGENCE FUNDS. Ito ang panawagan ni CBCP President Socrates B. Villegas sa kanyang pahayag na inilabas ngayon. Kung mayroong People's Initiative laban sa walang pakundangang paggastos ng salapi mula sa kaban ng bayan ay susuportahan ng Simbahan, dagdag pa ng arsobispo. (File Photo/Roy Lagarde)
SINABI ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na nakababagabag ang mga balitang nalulustay ang salapi ng bayan sa maling paraan ng "pork barrel", mayroon umanong ilang mamamayan na namumuno sa pagsasabatas na magpasa ng kaukulang hakbang na hadlangan ang kasalukuyang gawi sa pamamagitan ng people's initiative.
Sa isang pahayag na inilabas ngayong araw na ito, sinabi ng arsobispo na ang lahat ng gagawin ng mga mamamayan, lalo't ito'y moral, mapayapa at ayon sa batas na pipigil sa katiwalian at walang pakundangang paggastos ng salapi ng bayan ay susuportahan ng simbahan. Marami umano sa mga pari at layko ang nangunguna sa ganitong pagkilos.
Ani Arsobispo Villegas, matapos magdesisyon ang Korte Suprema na taliwas ang pork barrel funds sa Saligang Batas, nabalitaan nilang mayroong mga pagtatangkang patagalin ang kalakaran sa paglalaan ng mga lump sum sa national budget na ginagamitan ng iba't ibang pangalan.
Ito ang dahilan kaya sinasangayunan nila ang people's initiative na naglalayong magpasa ng batas na magbabawal ng paglalaan at pagpapaluwal ng pondo ng bayan. Ikinalulungkot din ng arsobispo na may mga pondong kinililalang "intelligence funds" na hindi na masasaklaw ng audit at accountability na pagkalalaking halaga mula sa kaban ng bayan.
Hindi mapaglilingkuran ang Diyos at salapi, dagdag pa ni Arsobispo Villegas. Mas makabubuting maglingkod sa Diyos at huwag magpa-alipin sa salapi lalo na kung ito ay mangangahulugan ng ibayong laying galawin ang salapi ng mga mamamayan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |