Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasunduang pangkapayapaan, problemado; MILF masama ang loob

(GMT+08:00) 2014-08-06 19:24:13       CRI


 

Kasunduang pangkapayapaan, problemado; MILF masama ang loob

KASUNDUAN NG MILF AT PILIPINAS, NANGANGANIB. Sinabi ni Moro Islamic Liberation Front Chief Peace Negotiator Mohager Iqbal na hindi nila matatanggap ang mga pagbabagong ginawa ng Malacanang legal team sa draft ng Bangsamoro Basic Law. Nag-ugat ang panukalang batas sa nilalaman ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na pinamunuan ni G. Iqbal. (File Photo/Melo Acuna)

ANG kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at pamahalaan ay nanganganib na walang patutunguhan sa akusasyon ng Moro Islamic Liberation Front na tinalikdan ng pamahalaan ang panukalang batas na nagsasaad na "self-rule" para sa magulong bahagi ng Pilipinas.

Lumagda ang magkabilang panig sa kasunduan noong Marso na nagwakas sa halos 50 taong mga sagupaan at nag-uusap ngayon upang ayusin ang mga 'di inaasahang balakid sa sinasabing isa sa mga tagumpay na makakamit ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Ayon sa isang exclusive media report, ang hindi pagtatagumpay ng kasunduan ang maaaring maging mitsa ng kaguluhan at pagpanaw ng kaunlaran sa larangan ng ekonomiya sapagkat maraming napipintong mangalakal sa larangan ng pagsasaka at pagmimina ang naghihintay na matapos ng maayos ang kasunduan.

Isa sa mga nagbabalak mangalakal sa lupaing saklaw ng mga MILF ang Del Monte Pacific Limited. Ang ibang malalaking banyagang kumpanya ay naghihintay na matapos ang kasunduan.

Saklaw ng kasunduan ang pagsang-ayon ng MILF na buwagin ang kanilang mga armadong grupo at buhayin ang mga komunidad bilang kapalit na mas malaking poder sa pag-kontrol sa ekonomiya at lipunan.

Nagkasundo na ang magkabilang panig subalit walang naganap na tagumpay n gang legal team ni Pangulong Aquino ang nagbago ng nilalaman ng panukalang batas na ayon sa MILF ay taliwas sa mga napagkasunduan. Sinabi ni G. Mohager Iqbal sa international news agency na Reuters na hindi nila matatanggap ang panukalang batas na binago ng Malacanang.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>