|
||||||||
|
||
Public Attorney's Office, dumulog muli sa Korte Suprema
PINAMUNUAN ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta ang mga kamag-anak ng mga biktima ng lumubog na M/V Princess of the Stars sa pagdulog sa Korte Suprema upang humiling ng reconsideration sa naging minute resolution ng Second Division. Ani Atty. Acosta, sa isang minute resolution na mula sa Second Division, walang pananagutang kriminal si Edgar S. Go, isang senior official ng Sulpicio Lines sa paglubog ng barko matapos salubungin ang isang bagyo higit sa anim na taon na ang nakararaan.
Sa isang press briefing, sinabi ni Atty. Acosta na ipinarating nila sa Korte Suprema ang kanilang Omnibus Motion for Reconsideration at maiparating sa lahat ng mga kasapi ng Korte Suprema o en banc ang usapin at paggagawad ng desisyon sa isang bahagi ng Internal Rules of the Supreme Court.
Ipinaliwanag ni Atty. Acosta na ibinase ang desisyon sa New Civil Code samantalang nararapat ibase ito sa Revised Penal Code. PInayagan umano ni G. Go ang kanyang barko na maglayag sa isang pook na makakasalubong ang bagyong "Frank" at ang hindi pag-uutos sa kapitan ng barko na magkubli o mag-angkla sa isang ligtas na masasaklaw ng Article 365 ng Revised Penal Code.
Sinabi ng mga naulila na lumapit silang muli sa Public Attorney's Office sapagkat 'di nila matatanggap ang pagkawala ng criminal liability ni Edgar G. Go. Magugunitang tanging civil liability ang nararapat haraping reklamo ni G. Go, ayon sa Second Division ng Korte Suprema.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |