Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maling datos ang nakararating kay Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2014-08-11 18:51:28       CRI

Kumpirmasyon ni Atty. Athur Lim, haharangin ng mga naulila ng Princess of the Stars

ISANG BIKTIMA NG LUMUBOG NA BARKO NOONG 2008, NAKILALA SA PAMAMAGITAN NG SKELETAL ANALYSIS. Ipinaliliwanag ni Public Attorney's Office Forensice Consultant Dr. Erwin Erfe (kanan) kung paano nila nakilala ang kalansay ng isang limang taong gulang na biktima ng lumubog na barko. Nasa gitna si Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta na dumulog muli sa Korte Suprema upang hilinging magkaroon ng pagsusuri sa criminal liability ng isang ehekutibo ng Sulpicio Lines. (Melo Acuna)

HANDANG lumagda sa isang liham sa Commission on Appointments ang mga naulila ng M/V Princess of the Stars upang huwag makalusot si Atty. Arthur Lim, abogado ng Suplicio Lines, sa pagkakahirang sa kanya bilang Commissioner sa Commission on Elections.

Ani Fr. Robert Reyes, mahalagang mahadlangan ang pagkakahirang kay Atty. Lim sa kanilang pinaniniwalaang kakaibang pagkilos sa usapin laban sa may-ari ng barkong lumubog noong nakalipas na 2008.

Samantala, isang kalansay ng isang batang babae ang nakilala na sa pamamagitan ng skeletal analysis. Ayon kay Dr. Erwin Erfe, ang consultant ng Public Attorney's Office sa larangan ng Forensics, nakilala nila ang biktima na mula 3.5 hanggang limang taong gulang.

Ang labi umano ay kay Jackelyn Padua. Sa dami ng mga magulang na naghahanap ng kanilang mga anak sa mga naging biktima ng trahedya, ani Dr. Erfe, nakilala ng mga magulang ng biktima ang suot nitong damit. May naunang x-ray ang biktima at ito ang naging basehan ng pagsusuri ng PAO Forensic Division. Tumagal umano ng anim na buwan ang pagsusuri.

Mahalagang makuha ang lahat ng detalyes sa mga biktima ng paglubog ng M/V Princess of the Stars subalit may problema sila sapagkat kahit nagdesisyon na ang hukuman sa Cebu City, wala pang turn-over na ginagawa ang mga nasa Disaster Victim Identification System. Mahalaga ito sapagkat ito ang pagbabasehan ng post morten data.

Naniniwala si Dr. Erfe na mayroon pang hanggang 400 katao ang nasa ilalim ng karagatan.

Sinabi ni Atty. Acosta, tanging ang Coast Guard, ang salvaging company at mga tauhan ng Public Attorney's Office ang naghahanap ng mga labi sa may Romblon.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>