|
||||||||
|
||
Diyosesis ng Masbate, nagdarasal para sa pagdalaw ni Pope Francis
MASBATE NAKIKIISA SA PANALANGING MAGTAGUMPAY ANG PAGDALAW NI POPE FRANCIS. Sinabi ni Masbate Bishop Jose S. bantolo na kaibilang ang kanilang diyosesis sa nananalangin na maging matagumpay ang pagdalaw ni Pope Francis sas Pilipinas sa Enero 15-19, 2015. Nag-aalay sila ng mga panalangin bago matapos ang bawat Misa, dagdag pa ni Bsihop Bantolo. (Melo Acuna)
PINAMUNUAN ni Masbate Bishop Jose S. Bantolo ang panalangin para sa ikapagtatagumpay ng pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas sa darating na Enero 2015.
Sa isang panayam sa kanyang tanggapan sa Diocesan Chancery matapos ang kanyang misa kahapon ng umaga sa Masbate Cathedral, sinabi ng obispo na ang lahat ng mga parokya ang sama-samang nagdarasal bago matapos ang bawat Misa.
Ayon sa obispo, ito ay pagtalima sa guidelines mula sa Catholic Bishops Conference of the Philippines.
Samantala, aktibo rin ang iba't ibang religious congregations at tanggapan sa diyosesis sa pagpapatupad ng iba't ibang palatuntunang pangkaunlaran tulad ng pagsasagawa ng mass feeding para sa mga mahihirap.
Ibinalita rin ni Bishop Bantolo na patuloy ang pagsasa-ayos ng pagamutang tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Sinimulan ito ni Bishop Joel Z. Baylon ay ngayon ay madali nang makumpleto, dagdag pa ni Bishop Bantolo.
Naghahanda rin ang Diyosesis ng Masbate sa pagdalaw ng may 35 mga opisyal ng iba't ibang himpilan ng radyo't telebisyon na kabilang sa Catholic Media Network para sa kanilang mid-year assembly mula sa ika-18 hanggang ika-21 ng Agosto.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |