|
||||||||
|
||
20140819Melo
|
NANAWAGAN si Senate President Franklin M. Drilon kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na pagbalik-aralan ang Kagawaran ng Pagsasaka sapagkat walang kabutihang naganap sa pagkakaroon ng dalawang pinuno sa katauhan nina Kalihim Proceso J. Alcala na isang enhinyero at Presidential Assistant for Food Security Francis Pangilinan na isang abogado.
Magugunitang hinati ang kagawaran sa dalawa upang pagharian o pamunuan ng dalawang malalapit na kaibigan ng pangulo. Sa isang budget hearing, sinabi ni Senator Drilon na wala pang isang porsiyento ang iniunlad ng sektor. Idinagdag pa ng mambabatas na hindi sapat ang pananalakay sa mga bodega ng sinasabing rice smugglers upang mai-angat ang mahihirap at madagdagan ang supply ng pagkain.
Mas makabubuting magdesisyon na si Pangulong Aquino kung sino talaga ang mamumuno sa kagawaran. Bukod sa pagkakaroon ng mga kalamidad, dapat magkaroon ng "point man" sa tanggapan. Magkaiba rin ang budget ng dalawang tanggapan kaya't mas makabubuting pag-aralan na kung sino sa dalawa ang mamumuno sa Kagawaran ng Pagsasaka.
Tumanggi naman si G. Drilon kung sino ang nararapat manatili sa dalawa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |