|
||||||||
|
||
Dating AFP Chief of Staff, hinirang sa bagong tungkulin
MAY bagong trabaho na si General Emmanuel Bautista matapos mahirang na Executive Director ng Cabinet Cluster on Security, Justice and Peace. Magkakaroon siya ng ranggong Undersecretary at mag-uulat kay Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. na namumuno sa security cluste.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr., ang security cluster ay binubuo nina Kalihim Manuel Araneta Roxas, Albert F. del Rosario, Voltaire Gazmin, Leila B. de Lima at ng National Security Adviser at Presidential Adviser on the Peace Process.
Ang security cluster ang titiyak ng pagpapanatili ng soberenya ng Pilipinas, paggalang sa batas, pagsusulong ng makatarungan, malawakan at matagalang kapayapaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |