|
||||||||
|
||
Arsobispo Palma, umaasang magtatagumpay ang People's Initiative laban sa pork barrel
NANINIWALA si Cebu Archbishop Jose Palma na magtatagumpay ang people's initiative laban sa pork barrel system.
Handa at nangangako ang civil society na matatamo ang tagumpay, dagdag pa ni Arsobispo Palma.
Sa pagiging desidido ng mga mamamayan, nakikita na ang pagbubunga ng kanilang mithi.
Sa panayam sa Radio Veritas, sinabi ng Arsobispo ng Cebu na malaking kaunlaran ito sa mga mamamayan at kinakikitaan ng maturity sa pagtingin sa politika kaya't nararapat lamang na magtulungan at maging handa sa mga pagpuna sa isa't isa.
Iba't ibang grupo ang nagsama-sama upang mag-ipon ng mga lagda upang magpasa ng batas na magpapawalang-saysay sa pork barrel system.
Si Msgr. Romulo Kintanar, convenor ng Cebu Coalition Against the Pork Barrel ang nagsabing nais nilang makaipon ng 5.4 milyong lagda upang kumatawan sa 10% ng mga botante sa buong Pilipinas.
Sisimulan nila ang People's Initiative Against the Pork Barrel sa darating na Sabado, ika-23 ng Agosto. Inaasahang dadalo sa pagpupulong sina Cebu Archbishop Jose Palma at Chief Justice Reynato Puno.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |