|
||||||||
|
||
Mga biktima ng paglabag sa Karapatang Pangtao, nahihirapan
ISANG grupo ng mga biktima ng paglabag sa Karapatang Pangtao ang nagsabing pinahihirapan sila ng Human Rights Victims Claims Board (HRVCB) sa paghahanap ng mga dokumentong hindi na kailangan at nakagugulat.
Ayon kay Chair Mari Hilao – Enriquez ng SELDA, isang biktima ng batas military at anak ng isa sa mga nagdemanda laban kay Ferdinand Marcos, nakalulungkot ang proseso at lubhang nakababahala sa sistema ng application para sa kabayaran at pagkilala.
Nasaksihan na umano niya ang proceso sa Panay, Bicol at sa Katimugang Mindanao at lubhang mahirap, magulo at tila hindi pumapabor sa mga biktima.
Binigyang-diin ni Enriquez na hindi na siya magpapadala ng kanyang claim sa ilalim ng batas na kanilang ipinaglaban.
Ang lupon na pinamumunuan ni retiradong Police Director Lina Sarmiento ay umaasang magkakaroon ng may 20,000 mga aplikanteng makikilalang lehitimong biktima ng batas militar.
Sa nakalipas na tatlong buwang pagtanggap ng mga aplikasyon, lumalabas na hindi pa handa ang Board. Hirapan ang mga biktimang maglakbay patungo sa mga lungsod sa limitadong pananatili ng Board.
Ani Bb. Enriquez, biktima na nga, pinahihirapan pa sa pangangailangan ng birth certificates mula sa mga biktima ng batas military, pagkakaroon ng dalawang identification cards na inilabas ng pamahalaan na wala naman sa claims board application at ang original release papers ng mga illegal na nadetine.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |