|
||||||||
|
||
Tatak sa pasaporte na "Not Valid for Travel to Libya" 'di totoo
PINABULAANAN ng Department of Foreign Affairs na may itinatatak na "Not Valid for Travel to Libya" sa mga pasaporteng mula sa Pilipinas. Wala umanong anunsyo mula sa kagawaran na may balak silang lagyan ng marka ang mga pasaporteng inilalabas ngayon.
Nananatili ang Crisis Alert Level 4 sa Libya at nagsasagawa pa ang pamahalaan ng repatriation operations sa magulong bansa.
Samantala, sinabi ni Assistant Secretary Charles Jose, tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, na sinisiyasat na nila ang mga ulat na hindi maganda ang pagtrato ng mga tauhan ng arkiladong barko sa mga Filipino mula sa Masrata at Benghazi.
Hindi umano binigyan ng mga kumot ang mga pasahero at halos hindi makain ang mga pagkaing inihanda para sa kanila. Pinatulog umano ang mga pasahero sa sahig tulad ng mga matatanda at bata at nagdadalang-tao.
Napakainit umano ng mga kamarote at walang air conditioning, bukod sa surot sa kanilang mga tinutulugan. Kulang din ang pagkain. Inarkila ng pamahalaan ang barko mula sa Italya na nagkakahalaga ng $ 1.8 milyon.
Tiniyak ni Asst. Secretary Jose na inaalam na nila ang buong detalyes at pananagutin ang lahat ng nararapat managot.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |