|
||||||||
|
||
20140828ditorhio.m4a
|
Ang Eskultura ay isang sangay ng visual art. Ayon sa depinisyon, ang Eskultura is "the art of carving, modeling, welding, or otherwise producing figurative or abstract works of art in three dimensions."
Maraming uri ng materyal ang maaring gamitin sa pag-ukit at pagmolde, nandiyan ang bato, tanso, salamin, pilak, kahoy, at marami pang iba.
Sa ibat-ibang bansa sa mundo, partikular sa Ehipto, Latin Amerika, Britanya, Hapon, at Tsina, napakaraming naiwan na mga eskultura na sumasalamin sa pamumuhay, relihiyon, at uri ng lipunan ng mga tao noong unang panahon.
Sa ngayon, marami sa mga sinaunang likhang-sining na ito ay nasa mga museo at pribadong koleksyon ng mga may-kaya.
Sa Kanluran, kung saan talagang nakilala ang eskultura, kilala ang mga pangalang gaya nina Michaelangelo, Leonardo Da Vinci, at marami pang iba.
Sa atin sa Pilipinas, napakarami rin ang magagaling na eskultor, nandiyan siyempre ang ating idol na si Gat. Jose Rizal, Guillermo Tolentino, Anastacio Caedo, Juan Luna, at maraming marami pang iba.
Bagamat, ang eskultura ay naging napakakilala noong unang panahon, dahil sa pagbabago ng ating paraan ng pamumuhay, at paglitaw ng mga makabagong teknolohiya, unti-unting bumaba ang popularidad nito; at iilang tao na lamang ang nahihilig dito. Isa na rin sigurong dahilan kung bakit unti-unti itong nalilimutan, ay dahil ang mga iskultor ay kadalasang salat sa pera, at napakahirap ding sumikat sa larangang ito.
Noong nakaraang linggo, ay nagbiyahe po kami ni Tata Frank sa lunsod ng Nanjing. Sa aming paglalakad sa lugar na Fu Zi Miao, isang lugar kung saan matatagpuan ang maraming tradisyonal na mga gusali at tindahan, at lugar kung saan masisilayan ang napakagandang ilog Qinhuai, nasumpungan namin ang isang tindahan, kung saan nakadispley ang maliliit at magagandang eskultura.
Na-curious po ang inyong lingkod at pumasok sa loob. Tinanong ko po ang babaeng naglililok kung gaano katagal bago matapos ang isang obra. Sinabi niyang mahigit 30 minutos lang. Nabigla po ako sa sinabi niya. Maya-maya pa ay dumating ang isang may-katandaang lalaki at siya ang nagpatuloy ng paglililok. Tinanong ko ulit ang babae kung magkano ang magpagawa ng sculpture. Sinabi niyang depende sa kahoy na gagamitin, sabay turo sa eskaparate kung saan nakalagay ang mga kahoy.
Hindi po ako makapaniwalang matatapos ang isang eskultura sa loob ng 30 minutos lamang. Kaya, pumili ako ng kahoy at sinabing ipakililok nga po ninyo ang mukha ko? Daglian namang pumayag ang matanda. Talagang interesado po ako sa kanilang kuwento kaya, habang naglililok, pinaki-usapan ko po sila para sa isang impormal na panayam.
Ang pangalan po ng matandang lalaki ay Chang Deming. Siya ay tubong probinsyang Henan, at mahigit 70 taong gulang na. Bukod sa kanyang shop sa lunsod ng Nanjing, mayroon ding siyang shop sa Dong'an Market ng Wangfujing, sa Beijing. Narito po ang kuwento ni Manong Chang Deming.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |