|
||||||||
|
||
Sandatahang Lakas ng Pilipinas, titiyaking ligtas si Pope Francis
BALITANG MAY MGA PILIPINONG LUMAHOK SA ISLAMIC STATE, INAALAM PA. Ginagawa ng Armed Forces of the Philippines ang pag-alam kung mayroon ngang mga Filipino na lumahok sa grupo ng mga terorista. Tiniyak din ni General Catapang na gagawin nila ang lahat matiyak lamang na ligtas ang paglalakbay sa Pilipinas ni Pope Francis. (Melo M. Acuna)
SA likod ng mga balitang may mga Filipinong lumahok na sa Islamic State na sangkot sa madudugong pangyayari sa Gitnang Silangan, partikular sa Syria at Iraq, kumikilos ang intelligence community upang alamin ang detalyes.
Noong isang linggo ay nasangkot naman ang mga rebeldeng kabilang sa Al Nusra sa pagtatangkang kubkubin ang mga kawal Filipino sa Positions 68 at 69. Hindi nagtagumpay ang kanilang pagkilos sapagkat nanglaban ang mga Filipino na tumagal sa pitong oras.
Sa isang press briefing para sa mga kasama sa Foreign Correspondents Association of the Philippines kanina, sinabi ni General Catapang na inaalam ng mga opisyal at tauhan ng intelligence community kung mayroong mga Filipinong lumahok sa mga rebelde. Unang lumabas na mayroong mga Americano at European nationationalities na pumasok na, nagsanay at nakikipaglaban na sa panig ng JI at IS sa Gitnang Silangan.
Ipinaliwanag ni General Catapang na ginagawa ng Armed Forces of the Philippines ang lahat upang maging tunay na makabuluhan at payapa ang pagdalaw ni Pope Francis mula ika-15 hanggang ika-19 ng Enero ng taong 2015.
Naunang ibinalita ni Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Cardinal Tagle, Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Guiseppe Pinto, Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. at Pasig Bishop Mylo Hubert C. Vergara ang pagdalaw ni Pope Francis noong nakalipas na Martes, ika-29 ng Hulyo.
Sa kanyang pagdalaw sa Pilipinas, makakadaupang-palad niya ang mga biktima ng bagyong "Yolanda" sa Silangang Kabisayaan, mga pamilyang Filipino, mga kabataan at mga pari't relihiyoso sa Metro Manila.
Marami-raming public appearances si Pope Francis bukod sa kanyang pagdalaw kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Malacañang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |