|
||||||||
|
||
Mga kabilang sa New People's Army, wala pang pamalit sa nadakip
WALA pang lumulutang na mga kapalit sina Benito at Wilma Tiamzon kaya't mayroong vacuum sa loob ng mga gerilya.
Binanggit ni General Gregorio Pio Catapang na tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga rebeldeng guerilya ng New People's Army. Ito ang dahilan ng pagbabalik sa normal ng hilaga at gitnang Luzon. Nawala na ang impluwensya ng mga guerilya sa mga pook na ito kaya't ang mga pamahalaang lokal na lamang ang nangangsiwasa mga kampanya laban sa mga guerilya.
Napuna ng Armed Forces of the Philippines na bumaba na ang bilang ng mga madudugong pakikipagtunggali ng mga NPA mula sa 587 noong 2008 at natamo na ang bilang na 477 noong nakalipas na taon.
Mayroon na lamang 33 mga lalawigan ang katatagpuan ng mga armadong kasapi ng New People's Army. Ani General Catapang, kung noon ay mayroong 4000 mga armadong kasapi ng NPA, aabot na lamang sa 2,000 ang mga ito ngayong 2014.
Nangako si General Catapang na tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga renegade members ng Moro National Liberation Front, ng Bangsamoro Independent Freedom Fighters at maging mga Abu Sayyaf.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |