|
||||||||
|
||
General Catapang, magsusumite ng report sa Tanggulang Bansa at Tanggapan ng Pangulo
ISINASAAYOS ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang ulat sa mga naganap sa Golan Heights noong Biyernes hanggang sa makatakas ang mga kawal sa pagdaan sa disyerto.
Ipinaliwanag ni General Catapang sa mga mamamahayag ng FOCAP na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nangakong tutulong sa United Nations at sa international community na makikiisa sa pagpapanatili ng peacekeeping operations.
Prayoridad din nila sa Armed Forces of the Philippines ang kligtasan at seguridad ng peacekeepers. Bahala na umano ang mga mas matataas na autoridad na pag-aralan, ipatupad at magdebate sa magiging kalagayan ng mga kawal Filipino. May lumabas na balitang inutusan ang mga kawal Filipino na itapon ang kanilang mga baril at magwagayway ng bandilang puti sa mga sasalakay na gerilya.
Sinasabing mayroon umanong kautusan mula sa pinaka-commander ng United Nations Disengagement Observer Force na kinilala sa pangalang Lt. General Iqbal Singh Singha.
Sa kanyang kwento base sa mga ulat ng mga opisyal at kawal sa Golan Heights, handang manatili ang mga kawal sa magulong pook subalit hindi ilalagay sa bingit ng alanganin ang kaligtasan at seguridad ng mga kawal Filipino. Prayoridad nila ang kaligtasan ng mga kawal ng hindi iniiwanan ang kanilang katapatan sa tungkulin maghari lamang ang pandaigdigang seguridad. Nakikiisa at lubhang nababahala ang mga opsiyal na Filipino sa kahihinatnan ng mga kawal ng Fiji na nama kamay pa ng mga rebelde.
Samantala, pinag-iingat ni General Catapang ang mga kawal Filipino sa Liberia upang huwag mahawahan ng karamadang ebola. Naglabas na ng medical bulletin ang United Nations na nagsasaad ng pangangailangan ng ibayong pag-iingat upang maiwasan ang pagkalat ng karamdaman.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |