|
||||||||
|
||
Melo 20140911
|
Tuloy ang pagdinig sa kontrobersya ni Vice President Binay
SINABI ng dating Bise Alkalde ng Makati City Ernesto Mercado na personal siyang naghatid ng milyun-milyong pisong kickback kay dating Makati City Mayor at ngayo'y Vice President Jejomar C. Binay.
Sa kanyang pagharap sa Senate blue ribbon subcommittee, sinabi ni G. Mercado na totoo ang sinabi ni Engineer Mario Hechanova, dating pinuno ng Makati General Services Department na ang mga subasta ng mga proyekto sa lungsod ay may mga maneobra upang paboran ang ilang mga kontratista.
Umaabot umano sa 13% ng buong kontrata sa Makati City ang natungo sa kickback na tinatanggap ni dating City Engineer Nelson Morales na tumatawag sa kanya upang personal na ihatid ang salapi sa Makati City Hall o sa tahanan ng punong lungsod.
Inamin ng dating vice mayor na ang paghahatid ng salapi sa tahanan ng mga Binay ang nakasama sa kanyang gawain. Idinitalye niya kung saang pook sa tahanan ng dating punong lungsod niya dinadala ang salapi na karaniwa'y sa umaga. Karaniwan niyang sinasabi na dala na niya ang salapi at sinasagot naman siya na itabi na lamang ang kukunin ni Junjun, ang anak ni Mayor Binay na noo'y konsehal. Si Junjun Binay na ang punong lungsod ngayon sa Makati.
Nagdadala rin umano siya ng salapi kay Dr. Elenita Binay, ang maybahay ng punong lungsod at sa kanilang anak na si Senador Nancy Binay.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |