|
||||||||
|
||
Pilipinas, naghahanda na para sa APEC 2015
NAGHAHANDA na ang Pilipinas para sa APEC 2015 sa pamamagitan ng Office of the Undersecretary for International Economic Relations ng Department of Foreign Affairs, bilang namumuno sa APEC National Secretariat. Dumalo sila sa Third Senior Officials Meeting and Related Meetings mula noong ika-6 hanggang ika-21 ng Agosto sa Beijing, China.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, may dalawa pang naunang pulong noong Pebrero 15 hanggang 28 sa Ningbo at ika-lima hanggang ika-15 ng Mayo sa Qingdao. Ang SOM ang main policy-making body ng APEC at tumatanggap sila at nagpapatupad ng mga kautusan mula sa APEC Economic Leaders. Ang mga panukala para sa APEC Ministers at ang mga palatuntunan ng iba't ibang kumite ng APEC at ng technical working groups ang pinag-uusapan sa Senior Officials Meeting.
Sa SOM 3, ang Senior Official for the Philippines ang namuno sa delegasyon gn bansa sa 55 related meetings at workshops sa iba't ibang paksa tulad ng kalakal at investment, product standards, trade security, structural reform, urbanization at internet economy.
Sa Nobyembre, lalahok ang Pilipinas sa Concluding Senior Officials' Meeting na susundan ng pinagsamang Trade and Foreign Affairs Ministerial Meeting. Magtatapos ang APEC 2014 sa APEC Economic Leaders' Meeting sa pagwawakas ng pagiging punong-abala ng Tsina sa taong ito.
Ang unang APEC meeting na itataguyod ng Pilipinas ay ang Informal Senior Officials Meeting sa Disyembre 2014 sa Legazpi City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |