|
||||||||
|
||
Merchandise exports, lumago ng 12.4% noong Hulyo
IBINALITA ng National Economic and Development Authority na lumago ang merchandise exports ng 12.4% noong Hulyo ng taong ito ayon sa mas mataas na buwis mula sa manufactures at agro-based products.
Sa isang mensahe mula sa Philippine Statistics Authority, ang halaga ng merchandise exports ay lumago ng US$ 5.5 milyon sa buwan ng Hulyo 2014 kung ihahambing sa US$ 4.9 bilyon noong Hulyo ng 2013.
Natamo ng Pilipinas ang ikalawang puesto sa larangan ng exports growth sa mga malalaking ekonomiya ng Silangan at Timog Silangang Asia noong Hulyo ng 2014 at pumangalawa lamang sa Tsina.
Sa unang pitong buwan ng 2014, ang exports sales ay lumago ng 8.5% at umabot sa US$ 35.1 bilyon at mas mataas sa US$ 32.4 bilyon noong 2013. Umabot naman sa 81.5% ng total merchandize exports ang kinita mula sa manufactured goods ng may 15.9% mula sa US$3.8 bilyon noong Hulyo ng 2013 at nakarating sa US$4.4 bilyon nitong 2014 dahilan sa malakas na benta ng halos lahat ng sub-groups sa manufactured commodities na pinangunahan ng electronics products.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |