|
||||||||
|
||
Jeane Lim-Napoles, ipinagsakdal ng tax evasion
NAKATAGPO ng sapat na dahilan ang Kagawaran ng Katarungan upang ipagsumbong ng tax evasion ang anak ni Janet Lim-Napoles na si Jeane Napoles.
Una nang ipinagsumbong ng Bureau of Internal Revenue ang nakababatang Napoles ng paglabag sa National Internal Revenue Code of the Philippines sa kakulangan ng buwis na nagkakahalaga ng P32.06 milyon kasama na ang surcharges at interests para sa mga taong 2011 at 2012.
Sinabi ni Commissioner Kim Henares na nagkaroon si Napoles ng isang condominium unit sa Ritz Carlton sa Los Angeles, California na nagkakahalaga ng P54.73 milyon at mayroong share na nagkakahalaga ng P 1.49 milyon sa isang barangay sa Bayambang, Pangasinan na binili noong 2012.
Wala umanong income tax return noong 2011 at 2012 at walang records ng ITR na magpapatunay na ang mga ari-arian ay mga regalo, pamana at mga kaloob sa kanya.
Ani Commissioner Henares, wala ring donor's tax o estate tax na binayaran ang akusado.
Isinangkot ang kanyang ina sa P 10 bilyon pork barrel at Malampaya fund scam. Unang inamin ni Janet Lim-Napoles na binili niya ang unit sa Ritz Carlton sa Los Angeles sapagkat maganda ang mga grading natamo sa paaralan. Inamin din niyang ibinili niya ng Porsche Cayenne at Porsche Boxster ang kanyang anak na dalaga.
May kaso na ring tax evasion si Janet Lim-Napoles at ang kanyang mister.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |