|
||||||||
|
||
May leksyong natutuhan mula sa "Gilas Pilipinas"
IKINAGALAK ni Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pagpapakita ng kakaibang galing ng koponan ng Gilas Pilipinas sa katatapos na pandaigdigang torneo sa Seville, Spain.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng arsobispo ng Lingayen-Dagupan na sa kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na 40 taon, nakatawag-pansin ang katagang "GILAS" at naging daan upang magkaroon ng pag-asa ang mga mamamayan.
Maaaring hindi nagtamo ng anumang maipagmamalaking pagwawagi sa mga nakaharap na koponan subalit hinangaan ng marami ang kanilang nagawa, mga Filipino man o mga banyaga. Pinupuri ng CBCP ang mga kasapi ng koponan tulad na rin ng pagbubunyi ng bansa at ang pagwawagi'y walang kasing-tamis at ang pagkatalo ay may kasamang karangalan.
Kabilang sa leksyong ibinigay ng GILAS ay ang kahulugan ng katagang "fairness" o pagpapahalaga sa katarungan, pagkakapatas na siyang mithi ng madla. Dalangin din ng CBCP na sa pagkakaunawa ng bansa sa kahalagahan ng pagiging patas, mahalaga ring matutuhan ng bansa at mga mamamayan na kailangang maging patas sa lahat sa lahat ng panahon.
Kahit pa nagmula ang mga manlalaro sa iba't ibang bansa, nagkaroon ng pagkakaisa at pagkakaibigan. Itinuro din ng Gilas Pilipinas ang kahalagahan ng malalampasan ang mga 'di pagkakaunawaan at magiging masaya.
Idinagdag ni Arsobispo Villegas na nasimulan ng Gilas Pilipinas ang pagtatanim ng pakikipagkapwa-tao, pag-unawa sa isa't isa at pagpapahalaga sa kapayapaan samantalang naglalakbay sa pakikipagkaibigan sa lahat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |