|
||||||||
|
||
20140918ditorhio.m4a
|
Sina Julian Travlin at Ana Nasuta
Ang bagel ay isang uri ng tinapay na hugis donat at mukhang donat, pero, kakaiba ng kaunti ang lasa. Ito ay karaniwang sinlaki ng kamao at niluluto sa pamamagitan ng pagpapakulo at pagkatapos ay ibine-bake. Ang resulta, isang medyo malutong, katakam-takam at kanguya-nguyang tinapay. Kadalasan, ang mga bagel ay binubudburan ng sesame seed, asin, at iba pang uri ng pampalasa, ayon sa kagustuhan ng panadero. Ito ay para mas lalong ma-enhance ang lasa ng tinapay.
Popular ang bagel sa mga bansang Britanya, Canada, at Amerika, lalo na sa mga lunsod na may malaking populasyon ng mga Hudyo.
Dito sa Tsina, hindi pa masyadong kilala ang tinapay na ito at kakaunti pa lamang ang mga nagtitinda at gumagawa nto.
Pero, alam ba ninyo, isang touching love story ang nabuo dahil sa tinapay na ito? Paano ka ninyo?
Si Julian Travlin ay isang Amerikanong negosyante sa Beijing. Ilang taon na ang nakaraan, itinayo niya ang isang panaderya, na gumagawa ng top-quality bagel. Lampas sa kanyang inaasahan, mabilis itong pumatok, at talaga namang napakarami ang humahanap-hanap sa lasa nito. Kaya, naman dali-dali niyang inerehistro ang negosyo at bumuo ng grupo upang mag-bake ng bagel. Pero, sa proseso ng kanyang pagnenegosyo, isang di-inaasahang pangyayari ang nailuto. Natagpuan niya ang kanyang true love. Narito ang kuwento ni Julian.
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |