Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kuwento ni Bantay

(GMT+08:00) 2014-09-26 15:20:09       CRI

 

 

Ang aso, ay walang dudang "man's best friend." Napakaraming kontribusyon at pakinabang sa atin ng mga aso: nagagamit sila ng mga pulis at militar sa kanilang mga operasyon, nagagamit sila bilang guide ng mga bulag, nagagamit sila bilang bantay at bodyguard, nagagamit sila bilang pastol ng mga baka at tupa, at siyempre, marami sa atin ang mahilig mag-alaga ng aso at itinuturing sila bilang miyembro ng ating pamilya.

Pero, sa kabila ng mga kabutihang kanilang hatid sa atin, kung minsan ay nagagawa pa rin natin silang pagmalupitan, nakakaligtaan silang asikasuhin at alagaan, sinasaktan, pinapatay, at kung minsan ay kinakain.

Sa Tsina, hindi rin naiiba ang situwasyon. Maraming mga aso ang walang bubong na masisilungan, napabayaan at nakaligtaan, at walang matatawag na pamilya't tahanan.

Pero, alam ba ninyo, may isang laowai o dayuhang naninirahan dito sa Tsina, ang kumakalinga at nagliligtas sa mga asong walang tahanan?

Si Chris Barden ay isang Amerikanong naninirahan sa Tsina mula noong 1998. Siya ay nagtapos ng pag-aaral mula sa prestihiyosong Yale University. Habang nasa Tsina, nahanap ng 45 taong-gulang na si Chris ang kanyang passion sa pagsagip sa mga ulilang mga aso. Sa ngayon, halos 120 aso na ang kanyang nabigyan ng matutuluyan at nasagip.

Bukod pa riyan, isang animal adoption center ang kamakailan ay binuksan ni Chris. Hinihimok at pinapayuhan din niya ang mga tao na huwag bumili ng aso, kasi napakaraming mga malakas, malusog at cute na cute na aso ang puwedeng ampunin mula sa mga animal shelter.

Pakinggan po natin ang kuwento ni Chris.

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Love story at tinapay 2014-09-19 18:08:30
v Basketbol 2014-09-11 17:23:47
v Mula Aprika Hanggang Beijing 2014-09-04 16:34:14
v Bagong Simula 2014-08-19 14:54:26
v Kuwento ng isang mamamahayag 2014-08-14 11:35:58
v Buhay-supermodel 2014-08-07 16:51:40
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>