Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Leyte, mahihirapang makabawi matapos hagupitin ni "Yolanda"

(GMT+08:00) 2014-10-02 18:19:17       CRI

MALALIM ANG SUGAT NA INIWAN NI "YOLANDA". Ito ang sinabi ni Leyte Governor Leopoldo Dominico L. Petilla sa pagdalaw ng mga mamamahayag sa kanyang tanggapan sa Tacloban City.  Bagaman, unti-unti ng nakakabawi ang mga biktima ng matinding bagyo matapos ang 11 buwan.  Maraming mga international non-government organizations ang naghahanda nang magtapos ng kanilang programa sa Silangang Kabisayaan.  (Melo M. Acuna)

INAMIN ni Leyte Governor Leopoldo Dominico L. Petilla na mahirap makabawi ang kanyang lalawigan matapos hagupitin ng bagyong "Yolanda" na may international name na "Haiyan" noong nakalipas na Nobyembre.

Higit sa pinsalang natamo ng mga pagawaing bayan o infrastructure, ay ang pagdurusang nadama ng mga mamamayang nawalan ng mga mahal sa buhay at mga kaibigan at pinagkakakitaan. Isang malaking trauma ang nadama ng mga mamamayan.

PAGTULONG SA MGA NASALANTA, TIYAK.  May mga programa ang pamahalaan upang magpatuloy ang pagbawi ng mga biktima ni "Yolanda".  Tiniyak ng mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development ang mga programang ipinatutupad sa rehiyon.  Ayon kay G. Ed Co (kanan), isa sa mga opisyal ng DSWD, maraming nakikinabang sa kanilang palatuntunang pangkabuhayan.  Nasa gitna naman si G. Ramoncito Dela Cruz ng Asian Development Bank.  (Melo M. Acuna)

Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag mula sa Asia-Pacific Region na dumadalo sa isang pagpupulong sa Asian Development Bank, sinabi ni Governor Petilla na nag-iwan ng malalim na sugat si "Yolanda" sa kanyang mga kababayan.

Kung sa pag-aayos ng mga napinsalang tahanan at pagawaing-bayan, unti-unting nakakabangon ang lalawigan sapagkat mula noong unang bahagi ng taong 2014 ay unti-unti ng bumabalik sa Leyte ang mga lumikas patungong Maynila at Cebu.

Ngayon, ani Governor Petilla, ay bumabalik na sila sa kanilang mga sakahan at nagsisimulang-muling mabuhay ng maayos. Hindi pa batid ni Governor Petilla kung ano ang balak ng pamahalaan sa pag-aayos ng mga niyugang napinsala ng malakas na bagyo.

Ikinagalak ni Governor Petilla na nakapagtanim ang mga magsasaka ng palay noong nakalipas na Disyembre sa tulong ng mga pandaigdigang ahensya at naging dahilan ng bumper harvest matapos ang tatlong buwan.

Malaking tulong ang napipintong pagdalaw ni Pope Francis sa Enero sa Leyte sapagkat magbibigay ito ng kaukulang inspirasyon, lakas ng loob at pag-asa sa mga nasalanta ni "Yolanda." Naunang lumabas sa balitang dadalaw si Pope Francis sa Leyte sa kanyang ikalawang pagdalaw sa Asia. Darating siya sa Pilipinas sa ika-15 ng Enero at lilisan sa ika-19 ng Enero.

Sa napipintong pagdalaw ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Leyte para sa ika-70 anibersaryo ng pagbabalik ni General Douglas McArthur, sinabi ni Governor Petilla na hihingin niya kay Pangulong Aquino na pondohan na ang palatuntunang tungo sa rehabilitasyon ng Leyte at iba pang mga napinsalang pook na unang nabalitang nagkakahalaga ng may P 24 bilyon upang matiyak ang tuluyang pagbawi ng mga nasalanta.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>