|
||||||||
|
||
United Nations, pinuna ni Pangulong Aquino
PINUNA ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang United Nations sa pagtangging bigyan ng mas magagandang sandata ang mga kabilang sa UN Peacekeepers sa Golan Heights.
Sa pagtangging ito, lumabas na "mission impossible" ang papel ng mga kawal. Hiniling na umano niya sa United Nations na bigyan ng mga sandatang pakikinabangan ang naging dahilan kaya't napasapanganib ang mga kawal noong Agosto matapos paligiran ng mga rebelde.
Ani Pangulong Aquino, hindi na makakasama ang mga kawal Filipino kung mananatiling mahirap at malabo ang kanilang kalagayan. Ito ang kanyang sinabi sa pagpaparangal sa mga kawal sa presidential palace kanina.
Ang Pilipinas ang mayroong isa pinakamalaking bilang ng mga peacekeeper sa ilalim ng Untied Nations. Pinauwi na ang may 344-kataong batalyong nasa Golan Heights. Nakipagmatigasan ang mga kawal sa mga rebeldeng konektado sa Al Qaeda at tumangging magsuko ng kanilang mga sandata bago tumakas palayo sa kanilang kampo.
Nadisarmahan ang may 45 kawal mula sa Fiji na pinalaya rin naman.
Idinagdag ni Pangulong Aquino na lumala ang situwasyon sa pagpasok sa eksena ng mga kabilang sa Al Qaeda.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |