|
||||||||
|
||
Hiwaga ng sasakyan ng PNP Chief, lumala
LUMABAS sa idinaos na pagdinig sa Senado na ang isang imported at bullet-proof na V-8 Land Cruiser GXR na ginagamit ni PNP Chief Alan Purisima ay wala sa kanyang statement of assets, liabilities and networth o SALN.
Ito ang lumabas sa pagdinig kahapon ng tanungin ng mga mambabatas si Purisima sa kanyang luxury SUV na binili sa halagang P 1.5 milyon. Ang brand new na Toyota Land Cruiser Prado ay nagkakahalaga ng may P 3.9 milyon.
Iba ang sinakyan ni General Purisima sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng senado at ginamit niya ang V8 Land Cruisers GXR na higit sa P 4 milyon ang halaga. Ayon sa records ng Land Transportation Office, ang GXR ay nakarehistro sa pangalan ng Jeverps Trading. Ayon sa kinatawan ng kumpanya, matagal na nilang naipagbili ang GXR sa pamamagitan ng isang ahente.
Mayroong isang open deed of sale na nangangahulugang hindi mabubunyag ang pangalan ng bumili nito.
Ang Toyota Prado ay nakatala sa pangalan ni General Purisima bagama't wala ang GXR sa kanyang mga dokumento.
Sinabi naman ni Secretary Edwin Lacierda na hindi nila pipiliting magbakasyon si General Purisima. Bahala na umano ang general kung ano ang kanyang desisyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |