|
||||||||
|
||
Balik-Paaralan na ang mga kabataan sa Albay
BALIK-PAARALAN NA ANG MGA BATA SA ALBAY. Nagbukas na muli ang mga paaralan sa Albay. Ito ang ibinalita ni Education Asst. Secretary Reynaldo Laguda sa isang panayam sa Ninoy Aquino International Airport III. (Melo M. Acuna)
NAGBALIK na sa mga paaralan ang mga batang lumikas at pansamantalang naninirahan sa mga paaralang publiko sa Albay.
Ayon kay Education Assistant Secretary Reynaldo D. Laguda, may 78 paaralan ang naisara at ginamit na evacuation centers. Normal na ang klase para sa may 55,000 mga mag-aaral.
Sa isang panayam, sinabi ni Asst. Secretary Laguda, malamang na magkaroon ng make-up classes tuwing Sabado o magkakaroon ng extension ng school calendar.
Nakakapagturo pa rin ang mga guro na apektado ng paglilikas. May mga naninirahan naman sa kanilang mga kamag-anak samantalang mayroong mga gurong nagpapatakbo ng mga evacuation center sa Albay. Kasama sila sa camp management sa tulong ng pamahalaang lokal.
Magtutungo si Asst. Secretary Laguda sa Legazpi City ngayon upang alamin ang iba pang pangangailangan ng mga mag-aaral at mga guro at non-teaching personnel.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |