|
||||||||
|
||
Pagsasanay sa kalakal, ginagawa ng Pamahalaang Panglalawigan ng Albay
PAGSASANAY PANGKABUHAYAN, SINIMULAN NA. Sa pagsasama ng mga pamilya sa evacuation center, sinabi ni Gobernador Jose Sarte Salceda na pinagtutulungan ng kanyang pamahalaan at ng Department of Trade and Industry at TESDA ang skills training para sa mga ama at ina ng tahanan sa evacuation centers matapos lumikas ang libu-libong mga naninirahan sadalisdis ng bulkang Mayon. (Melo M. Acuna)
SAMANTALANG magkakasama ang mga miyembro ng pamilya sa evacuation centers, sisimulan na ng Department of Trade and Industry ang pagsasanay upang magkaroon ng higit na pagkakakitaan.
Sa panayam kay Albay Governor Jose Sarte Salceda, normal naman umano ang buhay ng mga lumikas at higit na nagkaroon ng improvement ang health requirements.
Bagama't layunin na nila magkaron ng 792 mga palikuran, masaya na umano ang mga taga-Albay kung mapupunuan ang may 400 palikuran.
Ligtas din ang tubig na inihahatid sa mga evacuation center ng albay sapagkat sinusuri ito ng mga dalubhasa.
Idinagdag pa ni Governor Salceda na matagal na umanong pinaghandaan ng lalawigan ang ganitong situwasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |