|
||||||||
|
||
20141002ditorhio.m4a
|
Ang Siopao o Baozi sa Mandarin o wikang Tsino ay isang pagkaing matagal nang bahagi ng ating pamumuhay. Ito ay nagmula sa probinsyang Fujian ng Tsina, at ang pangalang "siopai" ay base sa diyalektong Hokien. Dinala ito sa Pilipinas ng mga unang Tsino na nandayuhan sa ating bansa, na ngayon ay integral na bahagi na ng ating lipunan. Pagdaan ng daan-daang taon, nakagawian na nating mga Pinoy ang pagkain at lasa ng siopao, maging ito man ay asado o bola-bola. Tuwing mapapasyal tayo diyan sa Sta. Cruz, Quiapo at Binondo, hindi puwedeng mawala ang bitbit na siopao bilang pasalubong sa ating mga mahal sa buhay. Ang siopao ay isa rin sa ating mga paboritong kainin bilang kapartner ng mami hindi po ba? Lalo na kapag tayo ay nagagawi doon sa chowking. Kahit ang siopao ay nagmula sa Tsina, ito ay isa nang bahagi ng pagkaing Pinoy at tradisyonal meryenda ng mga Pilipino.
Bukod sa siopao, mayroon pang ibang nakagawiang pagkaing-Pinoy na nagmula sa Tsina, tulad ng siomai, pansit, mami, lugaw, at iba pa.
Ngayon, syempre, ang siopao natin sa Pilipinas ay may kakaibang lasa kumpara sa siopao o baozi nila rito sa Beijing. Kaya, masasabi ko, na ang ating siopao ay tunay na Pinoy at swak sa panlasang Pinoy. Dito po kasi sa Beijing, walang sarsa ang kanilang baozi, di-tulad ng ating siopao, at kakaiba rin ang lasa nito.
Makikita rin po sa atin ang mga rolling store ng siopao at mga dumpling, at sa mga kanto, makikita rin ang mga tindahan ng siopao at mga dumpling. Dito sa Beijing, wala pong ganitong uri ng tindahan, kung gusto mo ng siopao, kailangan mong magpunta sa restawran.
Pero, nagbago na po ang sitwasyong iyan, dahil recently binuksan po ng isang kompanyang kung tawagin ay "Opposite House" ang BAO HOUSE, ang pinaka-unang siopao truck/rolling siopao store sa Beijing.
Ang BAO HOUSE ay may moderno, at international approach sa tradisyonal na paggawa at pag-iistim ng baozi o siopao.
Creative po ang mga designer ng BAO HOUSE, at makikita sa kanilang menu ang mga pangalang "The Baofather" (Wagyu Beef at Mushroom with Black Truffle), "Bao Thai Thai" (Thai Pork with Red Curry at Kaffir Lime), at "BJ Bao" (Traditional Pork with Spring Onions). Di lang po 'yan, lahat ng kanilang paninda ay pinapalitan sa pagpapalit ng panahon. Dito po kasi sa Beijing, may 4 na panahon, Tagsibol, Tag-init, Taglagas, at Taglamig; kaya naman, sa pagpapalit ng panahon, pinapalitan din ng BAO HOUSE ang kanilang menu.
Katulad din sa mga tindahan ng siopao sa atin, ang BAO HOUSE ay mayroong mga palamig. Nariyan ang home-made Lemongrass Ice Green Tea, Slow Boat Brewery, at marami pang iba.
Ngayon, oras na para sa ating ikalawang kuwento sa gabing ito. Ang mag-asawang Pinoy na sina Fritz Labinghisa at Joy Lim ay dumating sa Tsina, halos 10 taon na ang nakakaraan. Mula noon malayu-layo na ang narating nila sa pagtuturo ng Salsa.
Sabi ni Fritz, enjoy ang kanyang buhay sa Beijing at ikinokonsidera niya ang kanyang sarili na Beijing ren, o tubong Beijing.
Ayon naman kay Joy, tuwing nagsasayaw siya ng Salsa, nagkakaroon ng transpormasyon sa kanyang buhay, mula sa isang mahiyaing babae, tungo sa isang dancing queen.
Pakinggan po natin ang kanilang kuwento.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |