|
||||||||
|
||
有11号去上海的火车票吗 到了给我们打电话
20141008Aralin28Day1.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
您nín好hǎo, helo po, mga giliw na tagasubaybay.好(hǎo)久(jiǔ)不(bú)见(jiàn). Matagal tayong hindi nagkita. Maraming salamat po sa muli ninyong pagsi-sit-in sa Pag-aaral ng Wikang Tsino.
Sa ating kasalukuyang aralin, matututunan natin ang hinggil sa pagsakay sa tren. Sabihin natin na kayo ay pupunta sa Shanghai, sentro ng pinansiya ng Tsina, at aalis kayo sa ika-11 ng buwang ito. Meron ba kayong tiket sa tren para sa ika-11 papuntang Shanghai?
有(yǒu)11(shí yī)号(hào)去(qù)上(shàng)海(hǎi)的(de)火(huǒ)车(chē)票(piào)吗(ma)?
有(yǒu), magkaroon o mayroon.
11(shí yī), labing-isa.
号(hào), araw.
11(shí yī)号(hào), araw ng ika-11.
去(qù), magpunta sa.
上(shàng)海(hǎi), Shanghai.
的(de), kataga na kasunod ng pangngalan na tumutukoy sa uri ng bagay.
火(huǒ)车(chē), tren.
票(piào), tiket.
火(huǒ)车(chē)票(piào), tiket sa tren.
吗(ma), katagang pananong.
Narito ang unang usapan:
A: 有(yǒu)11号(hào)去(qù)上海(shànghǎi)的(de)火车票(huǒchēpiào)吗(ma)? Meron ba kayong tiket sa tren para sa ika-11 papuntang Shanghai?
B: 11号(hào)的(de)票(piào)卖(mài)完了(wánliǎo)。Nabili nang lahat ang tiket para sa ika-11.
A: 那(nà)12号(hào)的(de)呢(ne)? Eh, para sa ika-12, meron?
B: 12号(hào)的(de)还有(háiyǒu)。Opo. Meron po.
Ngayon, ipagpalagay natin na inihatid ninyo ang isang kaibigang magbibiyahe. Narito ang isang ekspresyon na maari ninyong gamitin sa ganitong situwasyon: Tawagan mo kami pagdating mo roon.
到(dào)了(le)给(gěi)我(wǒ)们(men)打(dǎ)电(diàn)话(huà).
到(dào), dumating o marating.
了(le), katagang ginagamit kasunod ng pandiwa para ipahiwatig ang kaganapan ng aksyon.
到(dào)了(le), dumating na. Natutunan natin ang ekspresyong ito sa "Pakisabi lang pag nakarating na tayo roon." ---到(dào)了(le)请(qǐng)你(nǐ)告(gào)诉(sù)我(wǒ).
给(gěi), bigyan.
我(wǒ)们(men), kami.
打(dǎ), tumawag.
电(diàn)话(huà), telepono.
打(dǎ)电(diàn)话(huà), tumawag sa telepono.
Narito ang ikalawang usapan:
A: 到(dào)了(le)给(gěi)我们(wǒmen)打电话(dǎdiànhuà)。Tawagan mo kami pagdating mo roon.
B: 我(wǒ)会(huì)的(de)。Oo, tatawag ako.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |