|
||||||||
|
||
一路平安 请问餐车在几号车厢
20141008Aralin28Day2.mp3
|
Paki-klik ng audio file para sa bigkas ng mga salita/parirala/pangungusap
Narito ang isang madalas na ginagamit na pangungusap: "Mapayapang paglalakbay."
一(yí)路(lù)平(píng)安(ān).
一(yī), buo; 路(lù), biyahe, distansiya; 一(yí)路(lù), tuluy-tuloy sa kabuuang distansiya; buong biyahe.
平(píng)安(ān), mapayapa o maluwalhati.
Narito ang ikatlong usapan:
A:火车(huǒchē)就要(jiùyào)开(kāi)了(le)。你们(nǐmen)快(kuài)下去(xiàqù)吧(ba)。Lalakad na ang tren. Mabuti pa bumaba na kayo.
B:一路平安(yílùpíngān)。Masayang paglalakbay!
Ang gutom ay isang magandang paalala na mahalagang matutuhan sa wikang Tsino kung paano sabihin ang "Maari bang malaman kung nasaan ang bagon ng kainan?"
请(qǐng)问(wèn)餐(cān)车(chē)在(zài)几(jǐ)号(hào)车(chē)厢(xiāng)?
请(qǐng), paki; 问(wèn), magtanong; 请(qǐng)问(wèn), mawalang galang na o maari bang malaman.
餐(cān)车(chē), bagon ng kainan.
在(zài), sa.
几(jǐ), alin; 号(hào), numero; 几(jǐ)号(hào), aling numero.
车(chē)厢(xiāng), bagon.
Narito ang ikaapat na usapan:
A: 请问(qǐngwèn)餐车(cānchē)在(zài)几(jǐ)号(hào)车厢(chēxiāng)? Maari bang malaman kung nasaan ang bagon na kainan?
B: 八(bā)号(hào)车厢(chēxiāng)。Nasa ikawalong kuwarto.
Okey, ngayon, ang Mga Tip ng Kulturang Tsino.
Sa Tsina, kapuwa sa mga araw ng pahinga at ordinaryong araw, sa tuwing magkakasama-sama ang magkakamag-anak at magkakaibigan, pinipili nilang magpunta sa isang restawran para magdiwang. Ang bawat isa ay nauupo sa paligid ng mesa at maraming masasarap na pagkain ang inihahain sa gitna ng mesa. Sa ganoong paraan, lahat ay makakaabot ng pagkain. Siyempre, bilang paggalang, ang mayhanda ay kumukuha ng tig-kakaunti ng malilinamnam na pagkain at inilalagay sa mga plato ng mga bisita.
At iyan ang kabuuan ng ating pag-aaral sa araling ito. Kung mayroon kayong anumang tanong, huwag kayong mag-atubiling magsabi sa amin, sa kahit anumang plataporma—facebook, website or email
非(fēi)常(cháng)感(gǎn)谢(xiè)!maraming salamat po. 多(duō)保(bǎo)重(zhòng)! Magpakaingat kayo! 再(zài)见(jiàn)!
Maligayang pag-aaral!:)
Pasok sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino==>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |