|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Summons, ipadadala na sa Department of Foreign Affairs
IPINADALA na ng mga taga-usig ang summons para kay Private First Class Joseph Scott Pemberton sa pagkamatay ng isang transgender na kinilala sa pangalang Jeffrey Laude.
Sinabi ni Atty. Harry Roque, Jr., sinabihan na siya sa kanyang pagdalaw sa Kagawaran ng katarungan kanina. Ang summons ay idaraan sa Kagawaran ng Katarungan.
Nagtungo sila sa Kagawaran ng Katarungan upang humiling ng proteksyon sa ilalim ng Witness Protection Program para kay "Barbie", isang kaibigan ni Laude. Si "Barbie" ang kinikilalang primary witness sa krimen.
Nakatakda ang pagdinig sa usapin sa Olongapo City Prosecutor's Office sa Martes, ika-21 ng Oktubre. Si Pemberton ay nasa pangangalaga ng Estados Unidos samantalang sakay ng USS Peleliu sa Subic, Zambales.
Ayon sa balita, sinabi ni Kalihim Leila de Lima na ang pormal na pagbibigay ng subpoena kay Pemberton ay mahalaga sapagkat mabibigyan siya ng pagkakataong tumugon sa sumbong. Sa oras na hindi maibigay ang subpoena kay Pemberton, maaari niyang sabihing nilabag ang kanyang mga karapatan.
Ibibigay ng Department of Foreign Affairs ang subpoena sa Embahada ng Estados Unidos. Hinihintay umano nila na mabatid kung kanino ipapangalan ang subpoena.
Sinabi ni Barbie na kasama siya ni Pemberton at Laude ng pumasok sila sa silid ng isang motel sa Olongapo City. Si Barbie ang kumilala kay Pemberton sa isang line-up ng mga larawang ibinigay ng US Naval Criminal Investigation Service.
Natagpuang patay si Laude sa palikuran ng silid. Ayon sa autopsy, nalunod si Laude matapos siyang itulak sa inidoro. Marami rin siyang sugat sa kanyang katawan.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |