|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Paggamit ng katagang "Acts of God" hindi marapat
MAS makabubuting gamitin ang mga katagang kalamidad kaysa ang kinagawiang "Acts of God" na matatagpuan sa mga kontrata, seguro o insurance at kahit sa batas at desisyon ng mga hukuman.
Ayon kay Arsobispo Socrates B. Villegas ng Lingayen-Dagupan at pangulo rin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na kinagawian ng banggitin na ang Diyos ang pinagmumulan ng paghihirap ng tao at mga trahedyang nararanasan. Kahit umano ang pagguho ng lpa na hindi lamang nakababalam sa paglalakbay at nagiging dahilan ng kamatayan ay karaniwang binabanggit sa commercial at legal documents bilang "acts of God."
Ayon sa turo ng Simbahan, mahal ng Diyos ang mga mamamayan at nais niyang walang sinumang mawala at inaayayahan ang lahat na mabatid ang katotohanan. Kitang-kita ang halimbawa sa mabuting pastol na kailanma'y 'di nagpabaya sa kanilang mga alaga.
Samantalang sandigan ng tradisyon na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng nagaganap sa daigdig, ang paggamit ng "kagagawan ng Diyos" na napakahirap isiping sa Diyos nagmumula ang mga trahedya, kalamidad at paghihirap.
Idinagdag ni Arsobispo Villegas na mas makabubuting gamitin ang ibang mga kataga sa halip na magpatibay ng paniniwala at pananaw ng nakararami na ang Diyos ang nagpapahirap sa mamamayan.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |