Pamahalaan, tinitiyak na makakamtan ang katarungan
DESIDIDO ang Pamahalaan ng Pilipinas na makamtan ang katarungan para sa napaslang na si Jeffrey "Jennifer" Laude.
Ito ang sinabi sa isang text message ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte hinggil sa pahayag ng Laude family na tahimik si Pangulong Aquino sa isyu.
Hihilingin ng pamahalaan sa Estados Unidos ang custody kay Private First Class Joseph Scott Pemberton na akusado ng sinasabing pagpaslang kay Laude. Ito ang naging pahayag ni Atty. Valte matapos magsabi ang grupo ng pamilya ni Jeffrey Laude hinggil sa katahimikan ni Pangulong Aquino sa insidente.
Mayroon umanong kasunduan sa Estados Unidos sa mga usaping ganito at may hurisdiksyon ang Pilipinas sa mga krimeng naganap sa nasasakupan nito kahit pa nananatili ang custody sa Estados Unidos. Hindi naman labag sa kasunduang hilingin ng Pilipinas ang custody mula sa mga Americano.
Nanawagan ang iba't ibang sektor na pagbalik-aralan at tapusin na ang Visiting Forces Agreement matapos makilala si Pemberton na may kinalaman sa pagkamatay ni Jeffrey Laude.
1 2 3 4 5