|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Red Cross, magtatayo ng mga tahanan sa Eastern Visayas
ILANG araw bago sumapit ang unang anibersaryo ng hagupit ni "Yolanda," magpapadala ang Philippine Red Cross ng pinakamaraming kargamento ng yero sa Leyte, Cebu at Ormoc bilang bahagi ng recovery program.
Sinabi ni Chairman Richard Gordon na mayroong 224 crates na naglalaman ng may 350 piraso ng yero ang makararating sa Eastern Visayas na tinamaan ng bagyo.
Ipinaliwanag ng dating senador na aktibo ang Red Cross sa sampung lalawigang tinamaan ni "Yolanda". Nagkakahalaga ang kargamento ng may P 38.2 milyon para sa 77,803 yero na pakikinabangan ng may 8,000 pamilya sa Leyte, Ormoc at maging sa Cebu.
Nauna rito ang may 185 crates ng yero sa Iloilo na mayroong 64,915 piraso sa mga bayan ng Ajuy, Balasan at Lemery para samay 5,277 pamilya.
Ang mga nabiling yero at iba pang building materials sa Iloilo ay gagamitin sa pagtatayo ng 2,600 core shelters at pagkakaroon ng 3,700 shelter repair kits. Dagdag pa ito sa may 7,000 tahanang itinayo ng Red Cross sa Samar, leyte, Cebu at iba pang bahagi ng Eastern Visayas.
Nabili ng Philippine Red Cross ang mga yero sa pamamagitan ng mga donasyon ng American, Australian, Netherlands, Swiss at Japanese Red Cross Societies.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |