|
||||||||
|
||
20141030ditorhio.m4a
|
Ang aking buhay sa htong
Mga pengyou, ang setting po ng ating kuwento ngayong gabi ay lugar sa Beijing na kung tawagin ay "Hutong." Ano ang "Htuong?" Ang mga "Hutong" ay ang tradisyonal na tirahan ng mga taga-Beijing. Ito ay mga dikit-dikit na sambahayan na may komon na courtyard. Kung mayroon tayong mga barangay sa Pilipinas, mayroon naman silang "Hutong" dito sa Beijing. Sa mata ng mga taga-Beijing, ang "Hutong" ay nangangahulugang partikular na panahon sa kasaysayan, uri ng pamumuhay, at maging "encyclopedia ng Beijing."
Sa mga "hutong" na ito makikita ang dating bahay ng mga tanyag na personahe, opisyal, at maging mga dating miyembro ng maharlikang pamilya ng Tsina.
Ilan sa mga kilalang "Hutong ay makikita sa Nan Luo Gu Xiang, Bei hai, Hou Hai, Gu Lou Da Jie, at ilan pang piling lokasyon.
Ang mga ito ay popular ding destinasyong panturista dahil sinisimbolo ng mga ito ang dating pamumuhay ng mga Tsino.
Si Dominic Johnson-Hill ay isang Briton na matagumpay na nakapagtayo ng kanyang sariling negosyo sa Tsina, na kung tawagin ay Plastered 8. Kapag siya ay tinanong mo kung bakit niya piniling manatili sa Beijing, sasabihin niyang "gusto kasi niya ang buhay sa "Hutong." Nang siya ay dumating sa Tsina, hindi naging madali ang buhay para sa kanya. Nagpunyagi siya sa pag-a-adjust sa mga bagay na tulad ng wika, pagkain, at marami pang iba. Pero, ngayon, komportable na siya sa lunsod, sa piling ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Paborito rin niyang tumambay sa gilid ng kalsada ng mga hutong kasama ang kanyang mga kaibigan. Narito ang kanyang kuwento.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |