|
||||||||
|
||
20141201Meloreport.mp3
|
GANAP na ikapito ng gabi inaasahang magsasalita si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa paglulunsad ng Asia Pacific Economic Cooperation 2015 kasama ang ilang mga miyembro ng gabinete sa Green Sun Hotel sa Makati City.
Pilipinas din ang mamumuno sa serye ng mga pagpupulong bilang paghahanda sa taunang pagtitipon sa iba't ibang bansa.
Kabilang sa mga dadalo sa pagtitipon sina Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario at Tourism Secretary Ramon Jimenez, Jr. May mga mangangalakal ding dadalo sa pagtitipon.
Inaasahan din ang ambag ng pribadong sektor at mga mangangalakal sa pagpupulong. Katatagpuan ng mga oportunidad ang serye ng mga pulong para sa mga Pilipinong mangangalakal.
Ang APEC ay isang pagtitipon ng 21 mga kasaping bansa na ang baybay-dagat ay nasa dagat Pasipiko. Layunin ng samahang isulong ang free trade at economic cooperation sa rehiyon. Kabilang ang Pilipinas sa mga nagtatag ng samahan noong Nobyembre 1989.
Kasama sa APEC ang Australia, Brunei Darussalam, Canada, Chile, People's Republic of China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealnd, Papua New Guinea, Peru, Russia, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, United States of America at Vietnam.
Ito ang ikalawang pagkakataong maging punong-abal ang Pilipinas. Unang naging host ang Pilipinas noong 1996.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |