|
||||||||
|
||
Kailangan pa ng tulong sa Zamboanga
HIGIT na sa isang taon matapos ang naganap na sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga kasapi sa Moro National Liberation Front, mayroon pang 22,400 katao ang nananatili sa evacuation centers at mga traditional sites samantalang may 15,200 katao ang naninirahan sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.
Ayon sa United Nations Office for Coordination of Humanitarian Assistance (OCHA), punong-puno pa rin ang mga naninirahan sa evacuation centers at traditional sites. Kulang pa rin sa tubig at malinis na palikuran. Kulang pa rin ang pagkain. Hindi pa rin nakararating ang mg kabataan sa paaralan, maayos na health care at kakulangan ng hanapbuhay.
Idinagdag pa ng mga taga-OCHA na mas maaasang humanitarian response ang kailangan dahilan sa matagalang kakulangan ng paglilipatan. Pinakamalaki sa tatlong evacuation sites ang Joaquin F. Enriquez, Jr. Sports Complex na kilala sa pangalang "Grand Stand." Nakatakdang ilipat ang mga evacuees sa Masepla Traditional Site.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |