|
||||||||
|
||
Halos 5,000 katao ang lumikas dahilan sa barilan sa North Cotabato
NAGKAROON ng serye ng mga sagupaan sa Kabasalan, North Cotabato kamakailan na naging dahiulan ng paglikas ng mga mamamayan. Tumawid ang mga evacuees sa Liguasan Marsh sakay ng maliliit na bangka at pansamantalang nanirahan sa Balibet Elementary School na pansamantalang tinitirhan ng may 410 katao.
Ani Noraima Mohamman, mahirap ang buhay sa evacuation center sapagkat 11 pamilya silang naninirahan sa bawat silid sa paaralan. Hindi nila batid kung kalian uuwi sa kanilang mga barangay. Kulang din ang pagkain, tubig na maiinom , walang banig at walang sapat na mainom, walang kulambo at hindi rin makapagluto sapagkat iniwan nila ang mga pangluto sa kanilang mga tahanan.
Sa balita ng OCHA, mayt 1,339 katao ang nasa Kabasalan Proper Elementary School samantalang mayroong 3,000 katao ang nasa kanilang mga kaibigan at kamag-anak. Nagtayo na ang Pikit Municipal Government ng relief at community kitchen para sa mga lumikas mula sa kanilang mga tahanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |